top of page

Ang "Web Domain" ay Titulo

By Likha Liwanag

Saturday, March 9, 2024

Dapat may Domain at Website para Hindi ka Mapalayas!

Sa regulasyon ng mga property at sa batas, kung sino ang may hawak ng titulo, sya ang panalo.


“Kung sino ang may hawak ng titulo ng property sya ang legit na may-ari.”


Anong koneksyon nito sa social media pages at mga digital at online businesses? 


The answer is NONE. Wala!


Ngunit ito ay mabisang halimbawa at analogy sa usapin ng legitimacy at ownership ng page at business sa social media o sa world wide web, lalo't lahat ng business ngayon ay nasa internet na


Halimbawa, may FB page ka, pero wala kang domain, pag may lumabas na tao at nagsabi sayo na sa kanya ang business name na yan dahil siya ang may hawak ng domain (businessnamedotcom), humihina ang ownership mo sa page or business name mo hangang kunin nila ito sayo na para kang pinalayas sa bahay o tindahan mo. Parang nagtayo ka ng bahay o tindahan (social media page or online business) na walang titulo (walang domain).  Eh paano kung established na ang name ng business mo sa social media, tapos marami ka ng followers, malaking problema iyan. Panibagong sakit ng ulo. Back to zero ka. Dumagdag pa sa mga alalahanin, diba!? Pero totoong nangyayari yan. 


Sa world wide web, hindi ka pwede mag register ng domain na “taken” na o may nauna ng nag register ng pangalan at may may-ari na. 

Parang jowa, pag taken na hindi na pwedeng kunin. Abangers ka na lang. Ang sakit diba?

Sa social media magulo pa, marami pang agawan ng jowa, este ng business name at pages dahil hindi pa ni-reregulate ni FB ang filter ng page name at hindi nya na business iyan. Kaya minsan ang tawag ay “scam” or “fake”. Eh ang problema dahil madaling gumawa ng pangalan sa FB, madali din mawala at kunin ng iba o minsan sinuspinde na nila.


Kung biglang may nagsabi sayo na sa kanya ang pangalan ng business name or page mo sa Facebook at pinapatake down nila ang page mo, wala kang magagawa. Mas powerful kung meron silang domain at website.  Ang mas mahirap ay nakaregister pa sila sa SEC at IPOPHL. So talong talo ka. Sayang naman.


Ganyan ka importante ang domain at website lalo ngayong digital age na, pangalawa na lang ang social media page. Minsan nga kahit naka register ka na sa DTI or SEC tapos may ibang nakakuha na ng domain mo at taken na, hindi mo pa din sya magagamit. So yung ibang mga matatalino at negosyante ay inuuna talaga nila ang domain at website, bukod sa security ng ownership, may kasama na ding branding, tapos doon na din papasok ang mga digital marketing, SEO, google ads at iba pa.


So if legit business at may page ka sa social media, gawin agad itong apat na hakbang na ito dahil baka maunahan at agawan ka pa ng iba, kawawa ka.


1. Secure the domain.

2. Create your website

3. Register to SEC or DTI.

4. Apply for IPO na din. 


Reminders: 


 1. Items 1 and 2, - Domain and Website, are the easiest part. Kumbaga may gate at bakod ka na ka na from invader. It is a must. Parang nakakuha ka na ng pwesto at "in operation" na ang business mo, kailanman ay hindi ka mapapaalis ng kahit sino depende sa kontrata at taon na agreement ninyo ng hosting provider mo.


2. Item 3 - SEC or DTI, is the legal way - if may pera na, go na. Check mo ito - https://bnrs.dti.gov.ph/registration


3. Item 4 - IPO is the legitimacy of ownership. If palagay mo malakas ang kakumpitensya mo, gawin na din ito. Ang ibang paraan para maiwasan ito, mag isip ka ng pangalan na mahirap isipin para wala kang kagaya. Pero kung palasak at common ang iyong business, product or services,at marami kang kakumpitensya, siguraduhin naka-IPO ka.

Bisitahin mo ito - https://www.ipophil.gov.ph/trademark/



This report is sponsored by Hsyctech. The Technology of the Future.


bottom of page