
After 30 years lagi ko pa din naalala ang kwento ni sir Miguel dahil kahit sa trabaho ay tugma pa din ang leksyon niya tungkol sa goldfish, tilapia at pating.
May mga manggagawa at ka-trabaho ka na parang goldfish, yung display lang, yung ganda lang, yung puro porma lang pero walang kontribusyon. Alagain lang. Mahihina. Walang silbi. Walang ambag. Sila yung kwestyonable ang kakayahan. Madalas hindi na sila lumalaki at nagtatagal. Makikita mo agad kapag mahina at maarte lang.
Meron ding manggagawa at ka-trabaho ka parang tilapia, sila yung mga pinapain, sila yung inaalay, sila yung pinapagalitan, sila yung madalas kawawa, sila yung walang kontrol sa mga pinapagawa sa kanila. Sila yung kahit may bagyo dapat lumangoy para pumasok dahil waterproof sila. Sila ang laging nagtitiis sa maliit na sahod. Wala na rin silang magawa dahil nakadisenyo sila bilang tilapia at tinanggap na lang nila. Sumusunod na lang sila sa kung anu ang ipapagawa sa kanila, at kung ano ang gagawin sa kanila. Hindi na nila naisip na pwede sila sa karagatan dahil na naprogram na sila bilang mga tilapia.
Meron namang mga manggagawa at ka-trabaho ka na parang pating, gumagalaw sila ng walang alintana, alam nila ang direksyon nila, alam nila ang gagawin nila. Madalas, sila ang mga tagapanguna, sila ang pasimuno, sila ang kumukumpas, sila ang may mga ideya, lumilikha sila, sila ang nagsasabi kung ano ang gagawin. Sila ang nagpapatakbo. Sila ang nag uutos. Sila ang nagsasabi kung wala kang ambag at kung dapat kang ipakain at iaalay. Sila din ang nag popromote ng mga manggagawa. Sila din ang lumilikha ng trabaho. Sila ang mga pinalaki na may tamang direksyon at disposisyon. Sila ay pinalaki ng tama at nakaprograma bilang mga lider ng kani-kanilang mga propesyon, bokasyon, adbokasiya sa lipunan.
Sa librong ito, ipinakita rin natin na may mga isda na nabuhay na parang tilapia, pero ang hindi nila alam ay isa pala silang pating para sa karagatan at kailangan lang nilang huwag matakot na subukan lumangaoy sa karagatan.
Rich Me, Poor Me.
Pahina 93

Comments