top of page
Writer's pictureLikhà Liwanag

"Ang Nawawalang Bayan"

Updated: May 24

Authored by Likha Liwanag | March 26, 2024 | Manila, Philippines | Explore other sections of this portal and read more stories here at EDITORIALPH | www.editorialph.com 





Noong unang panahon sa malayong kagubatan ay may isang magandang bayan na tinawag na "Bayan ng Kabutihan." Ito ay tanyag dahil sa kanilang natatanging kultura, matatag at mabuting kaugalian, at misteryosong kapangyarihan.


Sa Bayan ng Kabutihan, ang mga tao ay kilala sa kanilang pagiging masayahin, maalagaing ugali, at malasakit sa isa't isa. Ang pangunahing kaugalian sa bayang ito ay pagkakaroon ng mabuting puso sa lahat ng bagay, maging sa kalikasan, hayop, at kapwa tao. Bawat isa ay nagtutulungan upang mapanatili ang kaligayahan at kapayapaan sa kanilang komunidad.


Ngunit isang araw, ang buong bayan ay biglang nawala nang hindi maipaliwanag. Ang mga tao, bahay, gusali, at mga taniman ay biglang naglaho. Natira lamang ang isang misteryosong kagubatan sa mismong kinatatayuan ng dating Bayan ng Kabutihan. May mga kwento na nagsasabi na ito'y nangyari dahil sa kapangyarihan ng mga espiritu ng kalikasan na nagtago sa kanilang bayan upang protektahan ito mula sa mga masasamang pwersa na unti unting umuusbong sa labas ng "Bayan ng Kabutihan".


Ang mga taon ay nagdaan at naging alamat na lamang ang Bayan ng Kabutihan. Subalit, may iilan na tao sa labas ng Bayan ang mga nagmamahal pa rin sa kultura at kabutihan ng nawawalang bayang. Sila ay patuloy na naglakbay patungo sa misteryosong kagubatan, umaasa na balang araw, muling makikita at maibabalik ang nawawalang bayan.

Subalit, ang kanilang pagtitiwala sa kabutihan at kapangyarihan ay unti unti na ring naglalaho dahil isang Bayan sa kapatagan ang umuusbong, ito ang "Bayan ng Kamangmangan".


Lumalaki ang populasyon ng bayan na ito dahil sa mga naglalakihang gusali at bahay gayundin ang pag unlad ng modernong komunidad at kagamitan. Ang lahat ay nagkakagulo sa pagtatamo ng salapi, kasikatan, kaunlaran at lahat ng bagay na pwede nilang pakinabangan dito sa nasabing bayan. Marami dito ang mapanlamang, mapagkunwari, sinungaling, mandaraya, mapanghamak at mapanghusga sa kapwa. Ang mga ganitong klaseng tao dito sa "Bayan ng Kamangmangan" sila ang mga tanyag at sila ang may kayamanan. Kaya lahat ng tao dito sila ang ginagaya at ginagawang halimbawa. Mula sa pagkabata tinuturuan at minamana na nila ang ganitong mga masamang kaugalian dahil inaakala nila na ito na ang normal na kalagayan ng Bayan.

Ang iilang natirang tao na naiwan at nakasaksi at nakadama ng pamumuhay sa nawawalang bayan ay umaaasa na magbabalik pa din ang nawawalang "Bayan ng Kabutihan".


Samantalang sila rin ay nagsisimula ng maimpluwensyahan na ng mga mababangis na tao at pangyayari dito sa Bayang ng Kamangmangan, ang tanong pa din nila, "bakit kami iniwan ng Bayan ng Kabutihan?"


10 views0 comments

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating
bottom of page