top of page

"BenTren"

Writer's picture: Likhà LiwanagLikhà Liwanag

Updated: Jan 22



Madalas na sumasakay si Ben ng Tren tuwing papasok sa trabaho gayundin sa paguwi nito.


Sobrang haba man ng pila, at matagal man ang pagdating ng tren ay pursigido pa din syang sumakay dito.


Alam na ni Ben ang galawan sa tren. Mula sa pagbili ng ticket hanggang sa pwestuhan at banggaan ay beterano na sya dito.


Madalas siyang pagod matapos ang buong araw na trabaho kaya naman ginagawa nya na ding pahinga ang pagsakay sa Tren. Lagi siyang tulog kahit pa nakatayo at siksikan sa loob ng sinasakyang bagon.


Minsan sa kanyang pagod ay tila naiba ang takbo ng tren at kanyang narinig ang magandang tinig na umalingawngaw sa mikropono ng Tren.


Ang wika ng boses ay, "Paparating na sa Tagumpay Station".


Biglang namulat ang kanyang mga mata kasabay ng pagbukas ng pinto ng tren.


Sabay sabay na nagtulakan ang mga tao at walang pakialam kung may masasaktan ba sila o may maapakan habang nag uunahan at nagmamadali makababa sa istasyon na ito.


 "Bababa ka ba o uupo", galit na wika ng lalaki sa kanyang likuran na nagpupumilit na bumaba sa nasabing istasyon.


Napaupo si Ben.


At habang hilo sa mga pangyayari ay naisip nya na ganito din sa totoong buhay, lahat ay nag-uunahan at nagtutulakan sa tagumpay kahit pa maka-bangga, maka-apak o maka-sakit sila ng ibang tao na nakaharang sa kanilang daraanan makamit lang ang tagumpay.


Naiisip nya ito habang umaandar na ang tren patungo sa susunod na istasyon.

Ang wika ng tinig sa mikropono ng tren,


"Paparating na sa Kalbaryo Station"


Biglang kinabahan si Ben na tila gustong magising at pigilan ang tren sa pagdating sa susunod nitong istasyon.



ISTASYON - pahina 37. Itutuloy.

2 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

Subscribe for more exclusive inspiration only here at EDITORIALPH

Thanks for submitting!

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • YouTube
  • TikTok

©2024 by EDITORIALph. Powered by Editorial Philippines Inc.

bottom of page