top of page

“BonTrap"

Writer's picture: Likhà LiwanagLikhà Liwanag

Updated: Jan 22


Kung batang 90’s ka malamang na kilala mo ang The Von Trapp Family.


Ang Von Trapp Family ang naging inspirasyon para sa isang animated na serye sa telebisyon na pinamagatang "The Trapp Family Story" (トラップ一家物語, Trapp Ikka Monogatari), na ipinalabas noong 1991. Ang palabas na ito ay bahagi ng kilalang World Masterpiece Theater (Sekai Meisaku Gekijou) sa Japan, na tanyag sa pag-aangkop ng mga klasikong akda at mga kwentong hango sa totoong buhay sa anyong animated na serye.


Sikat na sikat ito noong 90s.


Yan ang kinakanta namin ni Bon habang nagtatawanan noong huli naming pagkikita sa dati naming tambayan.





Masaya si Bon habang kami’y nagkukuwentuhan ng aming nakaraan pero paminsan-minsan ay naluluha at natitigilan kapag nababangit nya na ang kanyang personal na buhay at Pamilya.


Matagal kaming hindi nagkita ni Bon.


Nagkahiwalay kami pag alis ko sa pinapasukan naming pabrika sa prubinsya dahil kailangan ko nang mag-aral sa Maynila.


Siya ay naiwan dahil kailangan niyang magtrabaho at suportahan ang kanyang mga kapatid at magulang.


Si Bon ay 47 years old na, at patuloy pa din sa pabrika.


Walang siyang asawa, walang anak, walang pera, walang ipon, walang insurance, at parang walang asenso sa buhay dahil maliit lang ang kita sa kanyang pinapasukan.


Ang masakit ay nakikita ko sa kanyang mata ang tila kawalan na ng pag-asa sa buhay.

Dahil matalik kong kaibigan si Bon hindi ko mapigilan maiyak sa hirap na kanyang dinaranas.


At habang nagpapatuloy sa kanyang kwento tungkol sa kanyang pamilya, hindi ko makita at hindi maramdaman na may nag-aalaga at nagmamahal sa kanya.


Ang saya ng kanta ng “Von Trapp Family”, pero si Bon ay sobrang lungkot dahil sya ay na-Trap sa istasyon ng buhay na sobrang hirap.


Istasyon - pahina 94. Itutuloy…

0 views0 comments

Recent Posts

See All

Stolen Silence and the Death of Big Ideas

David used to have his best ideas in the shower. Or during his morning walk. His mind would wander, connect dots, and suddenly—there it...

Comentarios

Obtuvo 0 de 5 estrellas.
Aún no hay calificaciones

Agrega una calificación

Subscribe for more exclusive inspiration only here at EDITORIALPH

Thanks for submitting!

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • YouTube
  • TikTok

©2024 by EDITORIALph. Powered by Editorial Philippines Inc.

bottom of page