
Si Jeff ay nagtatrabaho sa isang maliit na kumpanya.
Siya ay 25 years old.
Ang sahod nya ay 18K kada buwan.
Hindi ito magkasya sa kanyang pamilya at gastusin buwan-buwan kaya nababaon din sya sa utang.
Stress at pagod pa sya sa work. Wala na din syang social life at hindi na namamasyal at makapag enjoy.
Ang mas malala ay galit at sinisermonan pa sya ng kanyang asawa araw araw.
At dahil sa kalagayan sa buhay ay niloloko na lang ni Jeff ang kanyang sarili tulad ng pagsasabi ng:
1. Hindi ko naman kailangan ang pera
2. Mamuhay ng simple at makuntento
3. Love of money is the root of all evil
4. Rich people are greedy
5. Money doesn't buy happiness
6. Hindi mo naman madadala sa langit ang pera
Samantalang sinasabi ni Jeff ito sa sarili, sobrang kahirapan din ang kanyang nararanasan at ng kanyang pamilya. Utang dito, utang doon, gastusin sa bahay, suporta sa pag-aaral ng mga kapatid, bigay kay nanay at tatay, pang load, pang internet, pambayad sa bahay, bayarin ng bills at kung ano ano pa.
Tamad din si Jeff, minsan hindi pumapasok sa trabaho, puro reklamo sa hirap ng buhay, puro nood ng TV, cellphone, FB, at Youtube.
Panay bash sa trabaho at sa gobyerno.
Ang konting kaligayahan ni Jeff ay ang mag window shopping sa SM at mag palamig sa aircon ng mall.
Dahil wala namang pera si Jeff ang tambayan nya ay sa Bookstore. Kakatingin at kakatambay sa bookstore sa wakas ay nakita nya din ang librong matagal ng inirerekomenda sa kanya, "Ang kapangyarihan ng Isip."
Agad nya itong binasa sabay salampak sa sahig habang nagbabasa. Parang nakakita ng mga diamante at gold si Jeff. Binabalik-balikan niya ito hanggang nadiskubre nya ang sikreto.
Kahit tamad at may pagkabobo itong si Jeff nag try syang humanap ng bagong trabaho gamit ang kanyang mga bagong natutunan sa libro.
Makalipas ang ilang buwan, may bago ng trabaho si Jeff. Kumkita na si Jeff ng 250K kada buwan. Isa na siyang Consultant sa isang malaking kumpanya. Malayong malayo sa kanyang dating trabaho at kurso.
Iba na ang paniniwala ni Jeff ngayon, ang sinasabi nya sa sarili ngayon ay, "Heaven on Earth.
Dapat masaya tayo dito sa mundong ibabaw at hindi puro hirap.
Huwag hintayin mapunta sa langit bago sumaya.
Ienjoy ang pera.
Mas masaya kapag may pera.
Higit sa lahat ay hindi na sya sinisermunan ng kanyang asawa dahil sa perang inientrega nya."
Ngayong lumalaki ang kita ni Jeff mas naeenjoy niya ang kanyang buhay.
Ginagawa niya ang lahat ng gusto nya.
Subalit minsan, roller coaster pa din ang buhay, pero ang sinasabi nya sa sarili ay mas ok pa din ang roller coaster ride, at least nag enjoy sya.
Tamad at bobo pa din si Jeff pero 250K na ang sahod nya. Easy go lucky pa!
Habang ikinukwento nya ito sa akin iniisip ko kung isusulat ko ba ang kanyang buhay sa libro kong "Offline Stories".
Bago kami naghiwalay sobrang nagpapasalamat siya sa akin dahil inirekomenda ko sa kanya ang librong kanyang binasa.
Nakipagkita pala si Jeff sa akin dahil nagpapaturo sa pagtatayo ng foundation para sa kanilang simbahan. Tutulong daw sila sa mga mahihirap, lalo na sa mga poor mindset.
"Ang paglago ng iyong sahod ay limitado depende sa kung ano ang laman at pinapayagan ng iyong isip (subconscious mind)." - Sabi ni Jeff
Sabi ni Jeff and lahat ng tao ay may kay kakayahang magbago. Ito lamang ang pagbabago na hindi natin kailangan ang kahit sino lalo kung sisimulan mo ito ngayon.
Comments