top of page

“Si Prof Miguel at ang Pating”

Writer's picture: Likhà LiwanagLikhà Liwanag




Naging professor ko si Sir Miguel noon.


Hindi ko siya makakalimutan sa tuwing nakakakita ako ng dagat.


Sabi nya may mga nanay daw na pinalaki ang mga anak sa aquarium, ilog at dagat.


Sa una hindi ko maintindihan ang gusto nyang ipahiwatig at tumbukin.


Subalit habang lumalalim ang aming diskusyon mas nauunawaan ko na ang kanyang unang leksyon.


Sabi nya may mga nanay na pinalaki ang anak na parang nasa loob ng Aquarium.


Yung tipong alagang alaga at ingat na ingat. Yung masaya sila kapag nakikita ka anumang oras nila gustong tingnan ka.


Mukhang maganda naman pero hanggang sa bahay at display na lamang sila. Hindi mo sila pwedeng ihalo sa ilog o sa dagat dahil hindi sila makakasabay at malulunod lang sila. Parang Goldfish, wika nya.


Meron din naman mga nanay na nagpalaki ng anak na parang isang isda na sa ilog sila inilagay.


Yung pinapakain at pinapataba ka dahil nakadisenyo ka para ibenta at pagkakitaan.


Ginagawan ka ng mga harang kung saan ka lang pwedeng kumilos at gumalaw. Para silang Tilapia at Bangus sa ilog, sabi ni sir Miguel.


Huminto si Sir Miguel at huminga ng malalim,


sabay nagpatuloy sa kanyang salita:


“Mayroon din namang mga Nanay na alam nila na ang buhay ay tulad ng isang napakalaking karagatan kaya dito nila nilalagay at sinasanay ang kanilang mga anak.


Umpisa sa pangpang hangang matuto itong lumangoy at makipagsabayan sa kahit kanino man.


Kaya nilang sumisid sa kailaliman at makipag tunggali sa lahat ng nilalang sa karagatan. Hindi sila sumusuko at matira ang matibay.


Ang iba pa nga ay lumalaki at lubos nagtatagumpay dahil sila pala ay mga “pating” na kailangan mo talagang ilagay sa dagat dahil iyon ang kanilang kaharian.”


Sa huli, sinabi nya, “Magpasalamat kayo sa inyong mga nanay dahil hindi kayo ginawang goldfish, bangus at tilapia. Isa kayong pating sa karagatan.”


Rich Nanay, Poor Nanay.

Pahina 138.




0 views0 comments

Recent Posts

See All

Comments

Rated 0 out of 5 stars.
No ratings yet

Add a rating

Subscribe for more exclusive inspiration only here at EDITORIALPH

Thanks for submitting!

  • Instagram
  • Facebook
  • Twitter
  • LinkedIn
  • YouTube
  • TikTok

©2024 by EDITORIALph. Powered by Editorial Philippines Inc.

bottom of page