(Sa ilalim ng puno, hawak ni Timuay ang isang sirang solar panel na napulot niya malapit sa baryo...)
Timuay: Titser, kaya po kaya nitong pailawin ang buong baryo natin?
Titser Dulan: (Tumingin sa panel, saka napailing.) Isa lang ‘yan, Timuay. At sira pa. Hindi sapat.
Timuay: (Matigas ang loob.) “Pero kung aayusin natin, posible ba?
Titser Dulan: (Napabuntong-hininga, pero may ngiti.) Kung matuto kang mag-ayos, baka hindi lang isa ang mapa-ilaw mo.
(Simula noon, hindi na tinantanan ni Timuay ang solar panel. Sa loob ng maraming araw—pagod, gutom, at sunog sa araw—tinulungan siya ni Titser Dulan sa pag-aaral ng kuryente, wire, at baterya... Hanggang isang gabi—)
Timuay: (Excited na ikinabit ang huling wire sa paaralan.) Titser! Hawakan niyo ‘to… handa na!
(Pinindot ni Titser Dulan ang switch—isang bombilya ang biglang sumindi!)
Titser Dulan: (Napatulala.) “Timuay… nagawa mo!
Timuay: (Tumawa, hindi mapakali sa tuwa.) Hindi lang ‘yan, Titser. Kung kaya natin dito, kaya rin sa buong baryo!
(Sa loob ng ilang linggo, nagliwanag ang bawat bahay sa bundok. At isang gabi—)
Titser Dulan: (Nakatitig sa ningning ng buong baryo.) Timuay, tingnan mo…
Timuay: (Ngumiti, habang tila ay may malalim na iniisip) sabay sambit ng, “Hindi lang ilaw ang binuhay natin, Titser… pati pangarap. Liwanag lang ito sa gabi, pero sa atin, ito ang simula ng bagong umaga.”
(Sa malayo, mula sa syudad, tila nagmistulang atraksyon ang bundok. Napansin ng mga tao ang liwanag sa bundok—hindi bituin, hindi apoy, kundi pangarap na nagliwanag.)

Comments