top of page
Writer's pictureLikhà Liwanag

"The Kaway Mentality"

Updated: May 24

Authored Likha Liwanag | March 26, 2024 | Manila, Philippines | Explore other sections of this portal and read more stories here at EDITORIALPH | www.editorialph.com 





Gusto ko makaranas na manlibre ng bill sa restaurant na kinain sa kabilang mesa, lalo’t isang pamilya sila, may bata, o may senior citizen silang kasama.


Yung tipong sasabihin nila sa waiter na, "sino pong nagbayad?"


Tapos ituturo ka, sabay kaway!


Gusto ko ding maranasan na bayaran yung hospital bill ng pasyenteng hindi mo naman kilala, lalo’t walang wala sila.


Yung sasabihin sa kanila ng nurse or doctor na, “bayad na po yung hospital bill nyo. Sya po ang nagbayad."


Sabay kaway!


This is my dream.


Pero ito din yung dream na ang sarap maunahan at malampasan ng iba. Mukhang mahirap tulad ng bawat pangarap na ang hirap abutin lalot mahirap ang buhay natin. Subalit may talinghaga na madidiskubre mo lang kapag pinilit mo itong ginawa.


I'm thinking of another project similar to BAG Project - and that's the “Kaway Project”.


May mga simpleng kaway din naman na kayang kaya nating gawin, kahit ngayon or kapag may pagkakataon:


- Yung bayaran mo yung tollgate ng kasunod mong kotse sa tollway, sabay kaway.

- Yung bayaran mo yung MRT ticket ng nasa likuran mo, sabay kaway!

- Yung bayaran mo yung order nung nasa harapan mo sa fast food, sabay kaway!

- Yung bayaran mo yung reseta ng kasabay mong bumibili ng gamot sa drugstore, sabay kaway.

- Yung ilibre mo ng fishball o kwekwek ang kasabay mong tumutusok sa fishbolan, sabay kaway.

- Yung ilibre mo ng bayad lahat ng kasabay mo sa jeep, sabay kaway.


Hindi mo namamalayan binabago mo na pala ang mundo sa pamamagitan ng isang KAWAY!


Nalimutan na natin yung mga ganitong asal at kabutihan. Sa halip kanya kanya na tayo ng tulakan, unahan at lamangan kaya nasadlak na tayo sa kahirapan.


Tatlong hakbang para maisagawa ang Kaway Mentality:


1. Mag ipon (save) at tawagin itong Kaway Mentality Fund. Yung pasok lang sa budget mo.

2. Praktisin ang pagkaway (pwedeng pacute, pabebe, pasaludo o paalam na kaway, ikaw ang bahala)

3. Umisip ng sitwasyon na maisasagawa ang pagkaway.


Hal: Ilibre lahat ng kasabay mo sa traysikel na hindi mo naman kilala.

Hindi sya pangkaraniwan pero palagay ko nakakapagbigay ito ng kakaibang kabutihan at kapayapaan sa iyong kaibuturan. Therapeutic.


Minsan may isang kotseng humabol sakin sa super highway, sabay overtake, bumusina na tila nagpapasalamat, tapos binaba ang windshield, tapos kumaway din sya. Ang sarap sa pakiramdam, parang ang bait mo kahit masama ka, nakaka feel good ang Kaway Mentality.


Regardless kung mahirap o mayaman sila, kaway ka lang! Hindi na kailangan na makilala ka or nakavideo pa. Malay mo ito pala ang sikretong daan at lagusan sa minimithing pangarap. Yung kapag tinanong ka kung paano ka nagtagumpay, ang sagot mo ay, “KAWAY”.



17 views0 comments

Recent Posts

See All

Commenti

Valutazione 0 stelle su 5.
Non ci sono ancora valutazioni

Aggiungi una valutazione
bottom of page