top of page

Opinion

Church Altar

Satire | Opinion | Teology | Church | Christianity

ANG PUNISHER NG SIMBAHAN

Sila ang may kontrol sa lahat ng miyembro.

Sila ang nagpapatakbo ng simbahan. 

Posted on April 15, 2024 | Manila, Philippines | EDITORIALPH | Authored by Likha Liwanag | www.editorialph.com

Image by Daniel Tseng
  • Instagram
  • Twitter
  • LinkedIn
  • YouTube

Si Heinrich Cornelius Agrippa ay isang Physician, Theologian at Scholar. Sya ay pinahirapan dahil sa pakikipaglaban nya sa maling paniniwala at doktrina ng Simbahan. Dati kasi kapag lumaban ka at sinabi mo na mali ang itinuturo ng simbahan, lagot ka brad!

 

Masyadong makapangyarihan ang simbahan at mga lider noon. Tila sila ang may-ari ng sangkatauhan. Sila ang may kontrol sa lahat lalo na sa mga aral tungkol sa Philosophy at Theology. Kapag hindi na nila maipaliwanag ang isang bagay o pangyayari, sasabihin nila na ito ay “Mystery of God”.

 

Hindi nila maipaliwanag na Science pala ang dahilan ng isang pangyayari na hindi nila kailanman naintindihan dahil nabulag na sila ng maling aral. Kapag lumabag ka dito, ipapadala ka sa Kangaroo court na ang tawag ay the “Inquisition”.

 

Dito nila pinaparusahan ang mga taong lumalaban sa simbahan at lumalabag sa turo nila. Akala ng simbahan demonic, akala nila magic, hindi kasi nila inaral, yun pala ay Science. Akala nila sinasaniban ng demonyo, yun pala ay may psychological or psychiatric illness na. May mga bagay na hindi nila alam na yun pala ay Biology, yun pala ay Astronomy, yun pala ay Physics, yun pala ay Chemistry. Yun pala ay Quantum Mechanics na nadiskubre lang sa panahon ni Einstein. Ilan kaya ang naparusan at napatay nila dahil sa kamangmangan nila.

 

Tanong ko lang, Science ba ang Teolohiya?

 

Baka kasi ang paniniwala pa natin ay galing pa doon sa mga itinuturo ng mga unang simbahan. Tinangap na lang natin dahil takot na din tayong kuwestiyunin ang nakasanayan na. Si Cornelius Agrippa ay sumulat ng libro. Subalit itinago niya ito dahil sa takot na paparusahan siya ng “Kangaroo Court/ Inquisition”. Walang sinuman ang nagtangka na kalabanin ang maling paniniwala ng simbahan dahil tiyak na sila ay parurusahan.

 

Si Cornelius ay namatay at doon lamang naisapubliko ang kanyang libro at pag aaral na laban sa turo ng simbahan. Wala ng nagawa ang simbahan dahil patay na si Cornelius. Dahil sa librong ito ay nagkaroon ng kamalayan at interes ang mga tao sa Science. Dahil dito ay unti unting humina ang simbahan dahil nalaman ng tao na meron palang Science na kayang ipaliwanag ang mga nangyayari sa mundo.

 

Namatay si Cornelius noong 1535. It falls within a period known as the Renaissance, which spanned from the 14th to the 17th century. The Renaissance was a time of renewed interest in classical learning, humanism, and scientific inquiry. Significant developments in various scientific fields occurred during this period. Nagpapatunay lang na ang Science is a law created by God, while the laws of the Church are created by humans.

 

Today, the “Inquisition” also known as the “Kangaroo court” has evolved from physical punishment to emotional and psychological retribution. From the Punisher, sila na ngayon ang mga preacher na nag mamanipula ng mga tinuturo nila. Hindi na nila inaral ang sinasabi nila sa halip ay tatakutin ka pa.

 

Mapupunta ka daw sa impyerno kapag hindi mo sinunod ang utos nila.

 

Sila na ngayon ang mga taong simbahan na mapanghusga.

Sila na ngayon ang mga brother and sister na lagi kang hinuhusgahan at pinag iisipan ng masama dahil hindi ka nagbigay ng tithes at nag abot ng abuloy sa simbahan.

Sila na ngayon ang mga leaders na puro “puna” ng mali sa mga miyembro nila.

Sila na ngayon ang mga board members na gustong kontrolin ang simbahan, miyembro at manggagawa. Sila na ngayon ang mga nag banal banalan.

Sila na ngayon ang mga bagong “siga at maton” ng Simbahan.

Sila na ngayon ang mga Punisher ng Simbahan.

 

Hindi natin sinasabing wag kayong magsimba, ang gusto nating sabihin ay doon kayo sa simbahan na hindi kayo pinapahirapan at kinokonsensya, doon kayo sa simbahan na hindi kayo pagod at stressed, doon kayo sa pwede kayong magpahinga at may kapayapaan, doon kayo sa simbahan na si JESUS ang pinag uusapan at hindi ang sinuman.

 

Doon kayo kay JESUS.

Doon kayo sa  SCIENCE ang basehan at ang Diyos ang dahilan at may alam.

 

“Science is a law created by God, while the laws of the Church are created by humans.”

Kapag nalilito pa rin sa relihiyon at Theology, balikan ang Biology, Astronomy, Physics, at Chemistry, ang lahat ng ito ay Science, natural law of God.

Tanong lang, parang ang Theology ay magulo pa ang basehan, at parang hindi sya mula sa totoo at tunay na Science. Parang lahat ay galing sa pagkakasulat ng tao lamang?

Laging nagkakaroon ng debate at pagtatanungan kapag Theology ang usapan, diba?

Hindi tulad ng science like Physics and Chemistry, may numero at formula, like Biology and Astronomy na mararamdaman mo talaga at hindi mo na itatanong pa, kayang patunayan sa mga laboratory, at lalo na sa mga natural occurrences made by nature sa ating kapaligiran.

Ang mga lider ng simbahan ay dapat mag aral ng mabuti para huwag makapanligaw ng mga tao,  at laliman pa ang kaalaman sa natural science at sa creation of God. Huwag lang sa theology ang gawin basehan para hindi maligaw, makapanligaw, at lalong huwag sa sariling kaalaman lalot may personal agenda lamang. 

Ang daming naglabasang mga video sa social media, mali ang mga sinasabi at ipinapangaral, para silang mga bulaang propeta at mga mga false preacher ng simbahan.

Huwag maging punisher ng simbahan dahil baka maparusahan.

bottom of page